Anim na henerasyon na ng pamilya Collado ang nagdusa sa lagim na pagiging aswang. Anim na henerasyon na ang nagtatago at hindi matahimik para sa susunod pang magiging kabilang ng pamilya at magdudusa ng gaya sa kanila. Gano’n na lamang ang paghahanda nila para sa pagdating na takdang aswang sa ika-anim na henerasyon dahil siya ang inaasahan nila puputol at magpapasa sa ibang pamilya ng kamalasang matagal nang pinagdusahan ng mga Collado.
Si Elena Collado, ang pinakaunang naging aswang sa mga Collado. Ipanasa ito sa kanya ni Phil, and kano na kanyang inibig noong 1880s. Hindi niya alam noon na nasa ilalim ng isang sumpa si Phil, sumpa ng pagiging aswang. Ang sumpang iyon ang tatakbo sa isang tao lamang hanggang sa ikaanim na henerasyon, kung saan dapat na itong maputol at maipasa sa iba. Ang pagiging aswang ay naipapasa sa pinakabagong pinanganak ng sumunod na henerasyon matapos mamatay ang may dala ng sumpa. Pagdating sa ikaanim na henerasyon, kailangang ipasa ng napiling magdala ang sumpa sa bagong silang na sanggol sa pamamagitan ng pagkagat sa pusod nito. Matapos lumabas ang dugo sa pusod ng sanggol na pinagpasahan, ay gumagaling ulit ito ngunit nawawala ang pusod. Kapalit ng pusod ay lumilitaw ang marka ng bilang na isa na ang ibig sabihin ay una sa anim na henerasyon ng pagiging aswang. Kapag namamatay ang mga aswang sa anim na henerasyong iyon, matapos silang ilibing sa lupa, isa sa mga anak nila o pamangkin, ay mangingisay habang namumuo ang marka ng sumunod na numero na ang ibig sabihin ay sa kanila naipamana ang pagiging aswang.
Isa sa mga nagagawa ng mga aswang na ito ay makita din ang mga kapwa nila aswang kahit nasa anyo ng karaniwang tao. Iba kasi ang kulay ng dugo ng mga aswang, kulay abo, at may lumilitaw na anyong tila kaluluwa sa pagitan ng katawan ng tao. Ito naman ay nakikita lang nila kung gusto nila.
---
Nag-aayos na ng gamit si Elle, mamaya kasi ay flight na niya papuntang Manila. Pupunta siya doon upang mag-aral ng kolehiyo. Tinupi na niya ang kanyang mga damit at ipinasok sa maleta. Pati ang mga sapatos niya ay ipinasok sa kanya-kanyang plastic bago i-empake. Nakalagay din sa maleta niya ang isang envelope kung saan ang nilalaman ay ang mga magagandang iginuhit niya mula pagkabata, ang serenang nakalitaw sa dagat, ang flower vase na maraming bulaklak na hango sa flower vase nila sa bahay… Ang flower vase na iyon ay talagang nakakatulog kay Elle kapag may bisita sila sa bahay. Naamoy kasi niya ang sarap ng dugo nito, kaya’t ibinabaling na lamang niya ang pagsinghot sa mga bulaklak. Baka kasi hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at bigla niyang sunggaban at kagatin ang kanilang bisita.
Mabel (ina ni Elle) : Anak, ano’ng petsa na? Kanina ka pa diyan! Malelate ka na sa flight mo.
Elle: Sandali nalang po Nay! Inaayos ko nalang po ang mga libro ko.
Mabel: Grabe ka, pati ba naman yan dadalhin mo pa sa Manila. At teka, iniwan mo pa ditto ang aparador mo. Wala nang laman o! Dalhin mo na rin kaya ‘to!
Elle: Nay, talaga. Siyempre, dapat bitbit ko lahat ng gamit ko, lahat ng dresses ko. Hindi natin alam kung gaano karaming party ang aattenan ko. Alam mo naman ang mga tagaManila pagdating sa pakikipagsocialize. Gusto mo bang jologs ang dating ng unica hija mo, Mother?
Mabel: Nako, anak ha. Baka puro naman party ang atupagin mo doon. Ang pag-aaral mo’ng isipin mo. Maliban doon, marami ka pang ibang mga bagay na dapat pag-ingatan. Walang ibang dapat makaalam. Baka mamaya, mapakawalan mo, ano na ang mangyayari? Anak, mahirap –
Biglang lumungkot ang mukha ni Elle.
Elle: Alam ko po yun, Nay.
Mabel: Anak naman… huwag mo naming ipakita yang malungkot mong mukha sa’kin. Lalo lang ako mag-aalala eh.
Humiga si Elle sa kama at itinabon ang unan sa kanyang mukha.
Mabel: Aba, masyado kang literal ah! (napatawa si mabel)
------
Nang dumating si Elle sa airport, windang na windang siya. First time niya kasi. Ang lamig, ang sarap sa lugar na ‘toh. Sinunod niya ang mga pasaherong nauna kaya hindi naman siya nahalatang promdi at ignorante.
Nang nasa eroplano na siya, mas lalo siyang nawindang. Ang ganda pala sa loob nito. Ang lambot ng upuan, at mas malamig. Kaya lang noong nagsimula nang umandar, nininerbyos siya na para bang hindi niya alam kung ang mga kilos ng eroplano ay normal. At nung nagsimula na itong lumipad, sinabi niya,
Elle: Sana pala, pinagpaabot ko nalang ang gabi. Nalibre pa ako ng pamasahe.
------
Sa wakas, lumapag na rin ang eroplanong sinasakyan ni Elle. Kaunting hintay pa, at nakalabas na rin siya dito. Medyo matagl-tagal lang bago niya nakuha ang mga bagahe niya. Matapos ang ilang hakbang, bumukas ang dalawang higante mga sensor na salamin at nadama niya ang mainit at malagkit na ihip ng hangin. Nakarating na sa Manila si Elle Collado.
Sumakay agad siya ng taxi at ibinagay ang address na paghahatirang sa kanya. Titira si Elle sa tiyang Marina niya. Mabait naman ang tiyang na, yung nga lang madalas na wala sa bahay dahil sa Batangas naman siya lagi. Bihira lang niya bisitahin ang bahay niya sa Sampaloc, Manila kaya malamang madalas mag-iisa lang si Elle habang nag-aaral.
Madilim nan g dumating si Elle sa bahay ng tiyang na. Ang katulong ang nagbukas ng pinto, sabay sabi,
Inday: Ate! Andito na si pamangkin mo!
Marina: Inday, ang ingay mo. Ano pang hinihintay mo, kunin mo na ag maleta ng pamangkin ko at iakyat mo na sa magiging kwarto nya! Elle! Pamangkin, napagod k aba? May miryenda sa taas, kumain ka muna. O, di kaya maghapunan na tayo. Inday! Ihanda mo na ang hapunan. Nagugutom na ang pamangkin ko.
Inday: Ate, ano ba talaga ang gusto mong gawin ko? Dalhin ko mga gamit niya sa kwarto o ipaghanda siya ng pagkain?
Marina: Sumasagot k aba?
Inday: Ate, ikaw dapat ang sumagot. Nagtanong ako eh.
Marina: Inday, pwede ba? Ang kulit mo.
Inday: Opo… Ilalagay ko na po muna mga gamit niya sa taas.
-----
Marina: O hija, kamusta naman ang nanay mo sa probinsya?
Elle: Okay lang po siya tiyang. Ayun, naiiyak nang ihatid ako sa airport.
Marina: Mabel talaga… kahit kailan, emo. Tagal ko nang hindi nakikita ang kapatid kong ‘yon. Miss na miss ko na nga siya eh.
Elle: Malamang miss na miss na rin po niya kayo.
Marina: Elle, lagi kang mag-iingat dito sa Manila. Ibang-iba ang Manila sa probinsya. Hindi moa lam kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Kamakailan lang eh may nasaksak diyan sa kanto. Pa’no idinidisplay ang iPhone, tapos nung hiningi ng snatcher, ayaw ibigay. Sinaksak!
Elle: Kawawa naman yun tiyang.
Marina: Eh, talaga! Kaya ikaw, huwag mong ipapakita sa mga maaaring magka-interes, ang mga bagay na hindi mo kayang agawin sa’yo.