Concerned student lang naman ako. Kaya ko ito pinost, dahil gusto kong makatulong sa mga nanganganib na maka-experience ng mga na-experience ko. Here are my tips for a 'lesser-stressful' (kasi hindi talaga pwedeng mawala ang salitang 'stress' pag enrollment sa USM ang pinag-uusapan) na enrollment. Tagalog yan! Para gets nating lahat. Mwa mwa tsup tsup!
Kung hindi ka pupunta ng sobrang aga, pumunta ka ng madilim na. Naman! Sobrang init, sobrang haba ng pila, lalo naman sa admin. Mabuti pa noon per college ang assessment at bayaran. Ngayon, lahat sa admin na. (Baka nakawin sa college? Baka kupitan? Or mas masaya lang talaga pag tayong lahat sama-samang dumama ng init sa admin.
Isama mo ang tropa. Dude, sabay-sabay kayo habang naghihintay ka ng ilang taon bago makarating sa cashier. (Pwedeng mag-apply na cashier? Sanay ang mga kamay ko sa mabilisan. Tetris player 'toh. Level 50. Kaya mo yun?)
Bring your baon. Para malaman mo, doon ka na maglulunch assessment man o bayaran ang drama mo. Diba ayaw mong maungasan sa pila? Oo, magdala ka ha? Hayaan mo yung walang dala. Don't share. Kasalanan nila yun.
Kaibiganin ang encoder. Mahirap 'to. Huwag na huwag kang magpaparinig. Baka matagalan ka lalo. You know na, kunyari patient ka, kasi yun ka naman eh!
Magdala ng payong. Dahil lang baka umabot nanaman ang pila sa admin at mainitan ka.
Magdala ng motor kung mayroon. Dahil ang subtitle ng enrollment sa USM ay "Need for Speed."
No comments:
Post a Comment