Ang hirap talagan g mag-isa. Yung mag-isa ka sa lahat – sa pagkain, sa pag-uwi,sa gala, sa tuwa, sa problema.
Bago ako dumating sa Manila, sa lugar kung saan alien ako, inexpect ko na na marami akong mamimiss sa probinsya – mga tao, mga habit, mga lugar. Totoo naman noong nakarating na ako sa Manila. Kaya lang akala ko yun yung worst part. Pero hindi. Yung pinakamahirap, yung fact na mag-isa ka. Walang masisilungan, walang malalpitan.
Siyempre may mga kamag-anak naman ako sa Manila, napoprovide din yung needs ko. Pero mayroon kasi yung emotional chord na kukumpleto nalang lahat eh, sad to say, in my being, in my system, yun yung kulang. And I’m the one most responsible for it. Of course, kasalanan naman ng bawat tao lahat ng mga pagkakamaling nangyayari sa mga buhay nila kasi it won’t happen naman if they don’t allow.
To tell you, I don’t know the exact thing why I’m writing this, pero I know there is a reason why. I just don’t know what.
Maybe, I don’t want to be alone anymore. Okay naman ako kahit mag-isa, but honestly, I’m also longing for someone I can superbly confide in. Alam mo yung taong safe ang secrets mo with, yung pwede mong pag-unloadan ng lahat, maaring hindi siya magbigay ng advice, basta lang nandiyan siya. I always hoped there was someone. I prayed for it. I see some persons na pwede maging yung taong yun, and it came to a point na I thought one particular person was already the one, but sad to say, hindi pala siya. Kasi madami din siyang baggages and she belongs to a circle na I tried to enter, but it was a challenge, and later on I gave up kasi sobrang hirap pasukin. Ayaw ko naming pilitin.
Itago nalang natin siya sa pangalang M16. Okay naman ang relasyon naming magkaibigan. Actually M16 is more than a friend to me, m16 is like a sibling. Kasi halos lahat na kinukwento ko sakanya eh (pag nandiyan nga lang siya, kasi laging wala eh). However, I treasure m16’s presence so much. Masaya ako pag kasama ko siya thinking na again, may mapagcoconfidean nanaman ako. I am hurt kasi nawawala na siya. Ayaw ko naman na ipilit sa kanya na maging available para sa’kin kasi nga naman hindi naman niya ako responsibilidad(tama ba kung sasabihin ko ‘to?). To think, I’m not m16’s sister, so maybe, m16 is not my keeper. Funny ba? Can’t smile about it. I miss m16. But something’s wrong. Nawawala na siya. Kaunti lang naman mga kaibigan ko sa Manila, and nawawala na siya along with some people in the circle, or the whole circle maybe. Ayaw kong pabigat, ayaw ko maging threat, I’m just sad, you know… I’m hurt kasi nga paulit-ulit noh? Nawawala na siya. Is it a need na rin na I let m16 go?
No comments:
Post a Comment