Friday, January 27, 2012

Youth Life Student Center : tambay na!


Pagkatapos ng klase, saan ka ba pumupunta?

Parang sarap gumala sa mall, kumain sa labas, manood ng sine, o simpleng tumambay lang sa dorm/bahay. Yung iba naman, sa school lang or sa library, gumagaw ng assignments at iba pang requirements. Pero, may nalaman akong lugar na patok sa mga estudyanteng gusto ng isang wholesome na tambayan. It ang Youth Life Student Center.

Malapit lang 'toh. Nasa U-belt nga lang eh. Nasa 818 Nicanor Reyes St., Samapaloc, Manila. Ito ang siguradong okay na okay tambayan. Libre lahat ng facilities kapag member ka na. Para mag[amember, kailangan mo lang magpa-orient, kung saan iisa-isahin lahat ng benefits ng mga members, at ang rules and regulations.

Tuwing Biyernes naman, pwede kang sumali sa ginaganap na Youth Gig from ^:00-8:00pm. Sumali ka, at makipagfellowship sa mga kapwa mo college students. May games, may message, may worship, and libreng food pagkatpos ng message ng Staff.

Hali na! Tambay na tayo sa YLSC!

No comments:

Post a Comment