For sometime siguro puputulin ko muna connection ko with some people...
How can we be so insensitive at times when people need us to feel they need us? Sana man lang may makaisip, 'Ay, nasasaktan na pala siya.' However people still go on with their lives, afraid of handling things, allowing all the disasters to happen. Hindi ka ba maaawa na all those pains will collide with one single person? Yun yung mahirap sa mga tao(/e) ngayon eh. Para okay lang na may nasasaktan sila OR ayaw nilang maniwala na may nasasaktan sila. Iniisip nila, 'Ah, siguro may pinagdadaanan lang siya. Magiging okay din naman yan eh. Hmm... Hindi ko na siya tatanungin kung ano'ng problema niya, hindi naman ako ang may kasalanan.' Gahss!
Ang sakit-sakit na nagdaramdam ka pero wala kang mapagsabihan. Grabe. Pero mas masakit yung nasasaktan ka na nga, hindi mo para maincorporate sa actions mo at sa words mo yung feelings mo dahil wala kang karapatan. Yung bawal kang mag-inarte. Wala ako karapatang mag-inarte, dahil wala akong kakampi. Oo, may mga kaibigan ako, pero they're not the kind of friends that take sides(which may be a good thing), pero disadvantage yun at times diba, at times like this.
Life has been so hard for me even since I was a child. Yung side ng family ko where I grew up, hindi kami napapansin ng mga kapatid ko kasi nga ang mga pinapansin ng mga lola ko eh yung mga apo nila sa mga anak at pamangking manager ng company, businesswoman, nagtatrabaho sa banko...yung mga anak ng 'mayayaman.' Kung sabagay, magpakabait sila sa mga anak ng mga yun dahil for sure, pag naghirap sila, may mauutangan sila. Naramdaman ko yung feeling na hindi ako kasama sa ankan. Mabuti nalang yung other side ng family ko, eh welcome na welcome kami ng mga kapatid ko. Nararamdaman ko na mahal nila kami. Tuwang-tuwa nga ako pag nagkikita kami ng mga relatives ko sa side na 'to.
I don't know where my life would take me. Puro heartaches eh. Inggit na inggit ako sa mga bata. Hanggang crush2x lang. Iba na kapag pinasok mo ang mundo ng matatanda. Kainis. Sabi ko magsyosyota ako ng matanda dahil ayaw ko ng isip bata. Yung pala magsyosyota sila ng bata(ako), dahil yung isip bata hinahanap nila. Man, kaloka. Nakakabaliww. Hindi kami nagkaintindihan? Hehehe. Buhay nga naman. Joke lang ng joke, go lang ng go! Bibili nalang ako ng magandang damit, matutuwa pa ako. Kaysa, magkaroon ng lalaki sa buhay ko na idedrain lahat ng emotion na capable ang body ko of producing and in the end icacardiac lang din ako. I hate boys like that! Well, all boys are like that. Walang dakila. Hero2x lang. Si superman? Tanga naman yun eh. Isa siyang malaking pagkakamali. H'wag kayong magpapaniwala dun! Baliw yun eh.
Sa lahat ng mga naging boyfriend ako, iisa lang ang pumasa, pasang awa pa. Pan'o, lahat quinualify nila, pero yung pinakaimportanteng bagay(yung mafeel mong mas importante ka sa kahit ano), hindi nila magawa. Ang galing pa magpaconsensya. Ito ay napakaimportanteng babala: HUWAG NA HUWAG PUMATOL SA MAY ...... alam mo na. Alipunga? Hahaha. Kala mo ha. Oo, tama ang iniisip mo. Dun ka na sa walang sabit, alam mo na, hindi busy. Grabe talaga ako, low IQ, owf EQ. Ano nalang ako? Hindi ako maipagmamalaki ng future ex-boyfriend ko! Pero kung may maipagmamalaki ako sa kanya, 'pag nagmahal ako, MATINDI na may kaakibat na isang libong exclamation points, at sa iisang(walang kapares, walanng kaagaw, walang kahati) lalaki lang! Mahirap na. Kapag nadivide ang tinapay, ano nalang matitira? Okay lang kung ang napunta sa'yo yung maraming palaman. Boom! Gets mo yun! Kung hindi, ibig sabihin hindi ka pa nagkaboyfriend! Sorry ka. Hahahaha
No comments:
Post a Comment